Belmonte nahalal muling Speaker, Drilon bagong Senate president

MANILA, Philippines - Muling nahalal si 4th District Quezon City Rep. Feliciano “Sonny” Belmonte Jr. sa pagiging Spea­ker of the House habang si Senator Franklin Drilon ay nahalal naman bilang bagong Senate President kahapon sa pagsisimula ng 16th Congress.

Sa botong 245  naihalal si Belmonte, samantalang Minority leader naman si San Rep. Ronnie Zamora na nakakuha ng 18 boto laban kay Leyte Rep. Ferdinand Martin Romouldez na nakakuha ng 16 boto.
Agad nanumpa si Belmonte bilang speaker sa pinakabatang kongresista na si Camiguin Rep. Xavier Jesus Romualdo kasama ang kaniyang mga anak sa pangunguna ni Quezon City vice Mayor Joy Belmonte.

Eksaktong alas-10 ng umaga ng magbukas ang 16th Congress matapos dumalo ang 267 mambabatas at idineklara ang quo­rum.

Samantala, nahalal si Drilon ng  Liberal Party sa pagiging Senate President matapos makakuha ng   17 votes. Ito na ang ikaapat na pagkakataon na pamumunuan niya ang Senado.

Nahalal naman si Sen. Ralph Recto bilang Senate President Pro Tempore habang si Sen. Alan Peter Cayetano ay Senate majo­rity leader at chairman of committee on rules. – Malou Escudero, Gemma Garcia –

 

 

Show comments