MANILA, Philippines - Sasalubungin ng kilos protesta ng mga militanteng grupo ang ika-apat na State of the Nation Address (SONA) ng Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III sa Batasang Pambansa, sa Commonwealth, Avenue, Quezon City, ngayong araw na ito ng Lunes.
Nakagawian na ng mga militanteng grupo na kahit sino ang nakaupong Presidente ng bansa ay naglulunsad sila ng kilos protesta sa tuwing SONA kaya pinaghahandaan ng mga awtoridad upang hindi nakapagdulot ng istorbo sa magiging talumpati ng Pangulo.
Haharangin ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng mga concrete barrier at container vans ang ilang bahagi ng Commonwealth Avenue upang hadlaÂngan ang mga militanteng grupo sa pagsasagawa ng deÂmonstrasyon at hindi tuluyang makalapit sa Batasan Pambansa.
Sa traffic advisory na inilabas ng MMDA para sa SONA, isasara ang northbound at southbound lane ng Commonwealth Avenue mula Quezon Memorial Circle hanggang Fairview Center Mall, maliban sa dalawang leftmost lanes sa northbound. Maglalagay sila ng container vans at concrete barriers sa harap ng St. Peter Parish at Convergy’s Bldg. laban sa mga demonstrador.
Alas-5:00 ng madaÂling-araw, magsisimula naman ang rerouting mula sa UTS sa harap ng JocFer Bldg. at OMNI Tire Supply sa southbound lane hanggang San Simon UTS (counter flow). Maaaring gamitin ng mga motorisÂta ang apat na linya sa southbound patungo sa northbound o Fairview via reverse flow o pasalubong.
Ang mga motoristang manggagaling ng Tivoli Royale at iba pang subdivision sa likod ng Ever Gotesco ay maaaring duÂmaan sa UTS (JocFer UTS) sa pagsisimula ng reÂrouting. Ang UTS naman bago ang JocFer ay magagamit ng mga motoÂristang pa-Fairview.
Ang mga manggagaÂling naman sa Capitol estates 1 ay makakadaan sa UTS sa harap ng St. Peter Church pa-northbound (Fairview area) o southbound (EDSA area).
Magiging normal ang takbo ng trapiko sa siyam na linya ng CommonÂwealth paglampas ng San Simon UTS para sa mga motoristang pa-northbound o Fairview.
Alas-12:00 ng tanghali, magiging one-way traffic ang IBP Road patungo sa House of Representatives. Bubuksan ito para sa mga sasakyang manggagaling sa Commonwealth, Filinvest 1, Sinagtala, San Mateo Road, Filinvest 2 patuÂngo sa HOR, Fairview at Commonwealth Ave. (pa-kanan). Ang kabilang direksyon naman patungo sa Sandiganbayan underpass at Commonwealth Ave. ay bubuksan lamang para sa mga sasakyang magmumula sa Kongreso hanggang matapos ang SONA.
Ang mga miyembro ng Kongreso na magmumula ng San Mateo ay papayagang kumaliwa patungo ng Batasan.
Para maibsan ang pagÂbibigat ng trapiko sa Commonwealth Ave., maÂaaring dumaan sa ConÂgÂressional Ave., kaliwa sa MindaÂnao Ave., kanan sa Sauyo Road, kaliwa sa Chestnut, kanan sa Dahlia at kaliwa sa Regalado Ave. patungong Fairview Center Mall. Para naman sa mga manggagaling ng Fairview area, maaaring tahakin ang parehong ruta (opposite direction) patuÂngong Quezon Memorial Circle o EDSA.
Isasara ang IBP Litex Road para sa mga moÂtoÂristang magmumula ng Montalban/Rodriguez area, pero maaaring dumaan sa Soliven Street patungong Commonwealth Ave. at Fairview area.
Magbabalik sa normal ang daloy ng trapiko sa Commonwealth Ave. at IBP/Batasan Road pagsapit ng alas-6:00 Lunes ng gabi.