Kawani ng City Hall binaril, tinaga

MANILA, Philippines - Sinigurado ng tatlong lalaki na hindi na mabubuhay pa ang isang kawani ng Bago City Hall na matapos nila itong barilin ay kanila pa itong pinagtataga na naganap kamakalawa sa Bago City, Negros Occidental.

Ang biktima na hindi na umabot ng buhay sa ospital sanhi ng tinamong mga taga at tama ng bala sa katawan ay  kinilalang si Arnel Rubaton.

Nilalapatan naman ng lunas sa pagamutan ang mga nasugatang sina Wilfredo at Romie Rubaton; at magkamag-anak pawang residente ng Brgy. Mailum sa lungsod na ito.

Batay sa ulat, dakong alas-7:00 ng gabi ay nag­krus ng landas ng mga biktima at ng mga suspek sa bisinidad ng Brgy. Mailum, Bago City.

Nakasalubong ng biktima ang mga suspek na pawang magkakamag­anak din na kinilalang sina Vincent, Richard at Joseph; pawang Bayog ang apelyido at walang sabi-sabing pinagbabaril ang mga biktima.

Matapos na pagbabarilin ang biktima na nalugmok ay pinagtataga pa ito ng mga suspek bago nagsitakas, subalit agad din nasakote ng mga humabol na pulis.

Narekober sa crime scene ang mga basyo ng 12 gauge shotgun at ang duguang itak na ginamit sa pamamaslang.

Show comments