MANILA, Philippines - Isang 45-anyos na laÂlaki na collector ng STL lottery ang nasawi nang ito ay pagsasaksakin matapos na pumalag sa dalawang holdaper kamakalawa ng gabi sa Brgy. Mabato, MaÂragondon, Cavite.
Ang nasawi ay kinilaÂlang si Alexander Angue, residente ng Brgy.TalisÂpungo, Maragondon CaÂvite. Habang nakaligtas ang misis nito.
Tumakas naman ang dalawang suspek tangay ang perang hinoldap sa mag-asawa.
Batay sa ulat, ganap na alas-9:45 ng gabi ay sakay ang biktima ng itim na Kawasaki Fury 125 (6784 WI) angkas ang misis nito at binabagtas ang nasabing lugar dala ang bet money ng STL para mag-remit.
Habang bumabagtas ay bigla silang hinarang ng dalawang suspek at nagdeklara ng holdap at sapilitan na inagaw ang bag na dala ng biktima.
Subalit, ayaw ibigay ng biktima kung kaya’t pinagsasaksak ito upang matangay ang nasabing bag na naglalaman ng hindi pa mabatid na halaÂga ng kinita sa STL. Hindi naman sinaktan ang misis nito.