Agusan encounter: 6 NPA, 1 Cafgu napatay

MANILA, Philippines - Nauwi sa bakbakan ang pangha-harass ng may 40 NPA rebels sa isang detachment ng militiamen sa Brgy. Banag-banag na ikinasawi ng anim na miyembro ng  NPA at isang CAFGU kahapon ng umaga sa  Sibagat,  Agusan del Sur.

Sa ulat ni Lt. Col. Leo Bongosia, spokesman ng Army’s 4th Infantry Division, bandang alas-5:00 ng umaga nang umatake ang mga rebelde sa detachment ng CAFGU  (Citizens Armed Forces Geographical Unit ) sa lugar.

Matapang na nagdepensa ang 48 CAFGU na nakipagbakbakan at nasawi  ang Cafgu na si Elan Vincolado habang ang nasugatan si Edwin Cempron.

Nagsagawa ng support operation ang dalawang MG520 attack helicopter ng Philippine Air Force sa reinforcement sa  mga CAFGU at  anim na rebelde ang napatay.

Show comments