MANILA, Philippines - Labing-siyam na miyembro kabilang ang apat na opisyal ng PNP- Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang sinibak sa puwesto kaugnay ng umano’y nawawalang bultu-bulto ng shabu at malaking halaga ng pera nang salakayin at aresÂtuhin ang puganteng mag-asawang Chinese drug trafficker sa San Juan City noong Hulyo 13.
Ang pagsibak sa naÂsabing mga pulis ay nang lumutang ang isang testigo at ibinulgar na kinulimbat ng arresting team ng PNP-CIDG ang saku-sakong shabu at malaking halaga ng salapi nang arestuhin ang mga itinakas na drug lord na sina Li Lan Yan alyas Jackson Dy at misis nitong si Wang Li Na sa pinagtataguan ng mga ito sa San Juan City.
Ayon kay PNP-CIDG Director P/Chief Supt. Francisco Uyami Jr., ang mga sinibak na opisyal ay sina Sr. Supt. Jomar Espino, team leaÂder ng mga operatiba na nagsagawa ng raid, Supt. Romeo Albert Balenor, Sr. Insp. Julius Garcia at Sr. Insp. Elmer de Cabo.
Magugunita na ang mag-asawang Dy ay naaresto sa raid dakong alas-12:30 ng madaling araw noong Hulyo 13 sa kanilang pinagtataguan sa #311 A, M. Infanta St, Infanta Subdivision, Little Baguio, San Juan City.
Sinabi ni Uyami na iniutos na rin niya ang pagbuo ng Fact Finding Team upang tutukan ang imbestigasyon upang mabatid ang katotohanan sa likod ng pagkakaaresto sa mga convicted drug traffickers.
Tiniyak rin ng opisyal na walang whitewash ang isasagawang imÂbestigasyon dahilan nais rin nilang malaman kung ano ang katotohanan sa likod ng mga alegasyon.
Pinabubulaanan naman ng arresting team na may nakuha silang bultu-bulto ng shabu at pera sa lugar kung saan inaresto ang naturang mga convicted drug traffickers.