MANILA, Philippines - Ilabas ng lahat ng Mambabatas ng pinagka-gastusan ng kanilang Priority Development Assistance Fund na mas kilala sa tawag na pork barrel sa gitna ng isyu na P10 bilÂyon na napunta lamang sa mga ghost projects ng mga pekeng non-government organization.
Ito ang hiling ni Senator Alan Peter Cayetano at isa sa mga dahilan kung bakit dapat maipasa ang Freedom of Information Bill upang mas madaling makita ng kahit na sinong Filipino ang mga tranÂsaksiyon na pinapasok ng mga opisyal ng gobyerno.
Sinabi ni Cayetano na kung walang iregularidad ay walang dahilan para itago sa publiko ang pinaglaanan ng pork barrel funds.
Naniniwala rin si Cayetano na hindi dapat sumawsaw sa imbestigasyon ang mga mamÂbabatas lalo pa’t nasa kanilang hanay ang mga inaakusahan.
Mahalaga aniyang mailabas ang katotohanan dahil apektado nito ang tiwala ng mga mamamayan.