Guro itinumba sa tapat ng bahay
MANILA, Philippines - Isang lalaking guro ng elementary school ang nasawi nang ito ay pagbabarilin ng mga hindi pa kilalang suspek habang papasok na sa kanyang bahay kamakalawa ng hapon sa Brgy.Culianan, Zamboanga City.
Ang nasawi dahil sa mga tama ng bala sa ulo ay kinilalang si Roderick Sanchez, 38-anyos, guro sa Lanzones Elementary School sa nasabing lugar.
Batay sa ulat, dakong alas-4:40 ng hapon ay kasalukuyang papasok ang biktima sa gate ng kanilang bahay galing sa maghapong pagtuturo sa eskuwelahan nang biglang sumulpot ang armadong salarin at pinagbabaril ang biktima na duguang bumulagta sa kalye.
Mabilis namang tumakas ang suspek na sumakay ng kulay pulang XRM na motorsiklo.
- Latest