MANILA, Philippines - Hiniling ni Senator Cynthia Villar kay PaÂngulong Benigno Aquino III na isama ang Commission on Audit sa mga ahensiyang iimbestigahan kaugnay sa diumano’y P10 bilyon pork barrel scam.
Nagtataka si Villar kung bakit hindi nakita ng COA ang nasabing anomalya na paglalagay ng pondo sa mga ghost projects ng mga pekeng non-government organizations sa nakalipas na ilang taon.
Ipinunto ni Villar na kasama ang pork barrel ng mga mambabatas sa istriktong ina-audit ng COA kaya nakakapagtaka na hindi nila ito nakita.
Ipinagtataka rin ni Villar kung bakit ang COA na sobrang istrikto sa pagbusisi ng mga lehitimong proyekto ay nalusutan ng mga ghost projects ng hindi lamang isang beses kundi paulit-ulit.
Hindi naman pabor si Villar sa plano ng isyu ng tuluyang pagtanggal sa pork barrel funds ng Mambabatas dahil kung magagamit lamang umano ito sa tama ay marami ang matutulugan.
Idinagdag ni Villar na may mga panuntunan para sa paggamit ng pork barrel at ito ay dapat tiyaking nasusunod.