30 mangingisda nawawala sa West Philippine Sea

MANILA, Philippines - Iniulat ni Office of Civil Defense (OCD) Region 1 Director Melchito Castro ang pagkawala ng may 30  mangingisda sa West Phi­lippine Sea nang pumalaot ang mga ito bago pa man ang pana­nalasa ng bagyong Isang.

Nabatid na ang 30 ma­ngingisda na mga taga Infanta, Quezon ay lulan ng anim na bangka nang mawala matapos mamamalakaya sa bahagi ng West Philippine Sea.

Sinabi pa ni Castro nito pang nakalipas na linggo pumalaot ang mga mangi­ngisda na magpa­hanggang ngayon ay hindi pa nakakabalik ng kanilang mga bahay sa Brgy. Cato, Infanta, Pangasinan.

Nagsasagawa na ng mo­nitoring sa karagatan ng Northern Luzon ang Philip­pine Navy at Philippine Coast Guard upang hanapin ang mga nawawalang ma­ngingisda.

Show comments