MANILA, Philippines -Sa inisyal na resulta ng otopsiya ng National Bureau of Investigation (NBI) sa bangkay ng dalawang bata na natagpuang patay sa loob ng kotse sa Taguig City simula nang mawala ng may apat na buwan ay “severe dehydrationâ€.
Ito ang sinabi kahapon ni Southern Police District (SPD) Director Jose Erwin Villacorte kaya’t lumakas ang teorya na sadyang nakulong sa kotse ang mga biktima at nasawi dahil sa walang mainom na tubig at makain.
Subalit, sinabi ni Villacorte na inisyal na resulta pa lamang ito at nasa isang linggo pa bago makuha ang buong resulta ng otopsiya.
Magugunita na ang bangkay ng dalawang bata na sina Dayne Buenaflor, 4 at James Naraga, 3 ay naÂdisÂkubre sa loob ng itim na 190 E Mercedez Benz (UGX-606) na kotse sa compound sa tapat ng baÂrangay hall ng Brgy. Wawa sa naturang lungsod na malapit lang sa bahay ng mga ito.
Hinihinala rin ni Taguig City Police chief, Sr. Supt. Arthur Felix Asis na walang senyales na nagkaroon ng karahasan sa loob ng sasakyan dahil suot pa rin ng mga paslit ang kanyang damit nang mawala sila noong Marso 27 kaya’t posibleng angguÂlo ng “freak accident†o pagÂkakulong ng mga paslit dahil sa may “automatic child lock†ang kotse.