MANILA, Philippines -Muli na namang nagtaas ng presyo sa petrolyo ang mga kumpanya ng langis sa bansa kahapon ng umaga.
Dakong alas-6:00 ng umaga nang pangunahan ng Pilipinas Shell, Petron Corporation, Chevron PhiÂlippines at Seaoil Philippines.
Nasa P1.60 kada litro ang itinaas ng mga kumÂpanya ng langis sa presyo ng premium, unleaded at regular gasoline, P1 kada litro sa kerosene at P.75 kada litro sa presyo ng diesel.
Matatandaan noong nakaraang linggo nagsagawa rin ng pagtataas ang mga kumpanya ng langis ng P.60 litro sa gasolina, P.40 sa keÂrosene at P.45 sa diesel.
Kaya’t lumobo na ang presyo ng premium gasoline mula P52-P56 kada litro habang ang diesel ay nasa higit P46 na kada litro.