Stude tepok sa salpok ng van

MANILA, Philippines -Dead-on-the-spot ang isang binata na college student matapos na salpukin ng isang van ang kanyang motorsiklo sa kahabaan ng highway ng Purok Quizon, Buenavista, Tandag City, Surigao del Sur.

Ang nasawi ay kinilalang si Joseph Ramos, 19-anyos, estudyante ng Surigao del Sur State University, residente ng Tandag City ng lalawigan.

Batay sa ulat, bandang alas-6:30 ng umaga nang salpukin ang motorsiklong sinasakyan ni Ramos sa kahabaan ng highway ng Purok Quizon, Brgy. Buenavista ng lungsod ng Hyundai Starex van na minamaneho ni  Junrie Tausic Azarcon.

Sa lakas ng pagkakabang­ga ay nagtamo ng malulub­hang sugat sa katawan ang biktima na siya nitong dag­liang ikinamatay.

Show comments