^

Police Metro

Binata pinabulagta

Ricky T. Tulipat at Jam Krisette Nuñez - Pang-masa

MANILA, Philippines - Bulagta ang isang binata makaraang pagsasaksakin ng dalawang suspek habang ang biktima ay naglalakad sa Quezon City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang biktima na si Roberto Amparo, 25, binata, isang karpintero na nakatira sa Mambog 3, Bacoor, Cavite City.

Nakilala lamang sa mga alyas Jayson at Bunso ang dalawang suspek na mabilis na tumakas matapos ang krimen.

Ayon kay SPO1 Eric Lazaro, naganap ang insidente ganap na alas-4:20 ng madaling araw sa Commonwealth Avenue, corner San Simon St., Brgy. Holy Spirit, sa lungsod.

Sa salaysay ng saksi na si Paolo Ollosca, nagla­lakad umano ang biktima ng lapitan siya ni Jayson at Bunso at walang sabi-sabing pagsasaksakin sa dibdib.

Kahit sugatan na ay nakuha pang makatakbo ng biktima upang humingi ng tulong sa kanyang pinsan na si Junmel Lamgo at isinugod sa East Avenue Medical Center (EAMC) pero idineklarang dead on arrival ni Dr. Ismael Guiling ganap na alas-5:03 ng madaling araw.

Lumalabas sa eksaminasyon na nagtamo ng dalawang malalim na saksak sa diddib ang biktima na tumagos sa kanyang puso na siyang ikinamatay nito.

Hindi pa batid ng pulisya ang motibo ng krimen na siyang subject ng ginagawang follow-up investigation.

vuukle comment

BUNSO

CAVITE CITY

COMMONWEALTH AVENUE

DR. ISMAEL GUILING

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

ERIC LAZARO

HOLY SPIRIT

JAYSON

JUNMEL LAMGO

PAOLO OLLOSCA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with