MANILA, Philippines - Nanghiram ng mukha sa aso ang isang parking attendant ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) matapos na siya ay pagtulungang gulpihin ng isang lalaki na nagpaÂkilalang mayor at mga bodyguards nito kamakalawa ng hapon sa Mabini St., Maynila.
Sa ulat ni MTPB chief Carter Logica, bago nagaÂnap ang pagbugbog dakong alas-3:00 ng hapon sa biktimang si Joseph Purisima ay nakita nito dakong alas-6:30 ng umaga ang nakaparadang puting Starex van (ZSZ-458) sa harap ng Prestige Salon and Barber shop sa Mabini St.
Tinanong ng biktima ang isang lalaki kung magtatagal sa lugar na sinagot na sandali lamang silang paparada kaya’t hindi sila titikitan sa loob ng 15 miÂnuto.
Subalit, tumagal hangÂgang alas-3:00 ng haÂpon ang pagpaparada kung kaya’t sinabihan ni PuÂrisima ang lalaki na kailaÂngan na nilang magÂba yad.
Dito na lumabas ang nagpakilalang mayor at agad na sinapak si Purisima kung saan nakibugbog na rin ang tatlo umano nitong bodyguards.
Nang makitang maÂrami ang nakatingin, maÂbilis na umalis ang hindi pa nakikilalang mga suspek, subalit ayon sa ilang saksi, ang may-ari umano ng barbershop ang bumugbog kay Purisima.
Nang hingan ang Luneta PCP ng report sa insidente ay ibinigay ng pulis sa biktima ang plakang XKL-525 gayung nakita ng biktima na ang plaka ay ZSZ-458.