MANILA, Philippines - Hindi umano nakuha sa pakiusapan at pagsusumamo ng isang mister ang kanyang misis na sila ay muÂling magsama kung kaya’t puwersahan nilang magkaibigan na ito ay kidnapin habang naglalakad kasama ang kaibigan nitong babae kamakalawa sa 3rd Palm Spring, Brgy. San Miguel, Iligan City, Lanao del Norte.
Sa mabilis na pagresponde ng pulisya ay agad na naaresto ang dalawang suspek sa inilatag na checkpoint ng pulisya at militar sa Brgy.Maria Cristina, Iligan City, Lanao del Norte.
Ang dalawang suspek ay kinilalang sina Mark Cruz Rebosora, 28-anyos at Rogelio Bation, 60-anyos.
Batay sa ulat ng pulisÂya, dakong alas-10:30 ng umaga ay naglalakad ang dalawang biktima na kinilalang sina Jingle Rebosora at Kathlyn Jane Dapol sa nasabing lugar nang harangin ng isang Toyota Innova (TPO-267) na sinasakyan ng dalawang suspek kabilang ang daÂting mister ni Jingle na si Mark Cruz at puwersahan silang dinukot at isinakay sa sasakyan.
Agad namang naglatag ng checkpoint ang tropa ni Lt. Col. Danilo Ibon, Commander ng 4th Mechanized Battalion at ng pulisya sa highway ng Brgy. Maria Cristina at naharang dakong alas-11:00 ng umaga ang sasakyan ng mga suspek na hindi na pumalag nang arestuhin.
Sa presinto ay inamin ni Mark na kaya niya nagaÂwang dukutin ang dating misis dahil sa ayaw na nitong makipagbalikan sa kanya.
Gayunman, ayon sa puÂlisya ay tuloy ang kaso dahilan nadamay ang kaibigan ni Jingle na si Dapol.