Pulis-Crame nabitag sa kotong

MANILA, Philippines - Isang pulis na miyem­bro Highway Patrol Group (HPG) ang inaresto ng  kan­yang mga kabaro habang tumatanggap ng pera sa isang ginang na kinokotongan sa isinagawang entrapment operation sa isang restaurant sa Barangay San Jose, Antipolo City, Rizal ka­hapon ng umaga.

Ang suspek ay kinila­lang si PO3 Harold Solano Pulero, nakatalaga sa HPG sa Camp Crame.

Ayon kay P/Supt. Ma­nuel Placido, hepe ng Anti­polo Police na ang pagdakip kay Pulero ay bunsod ng reklamo ng isang Gng.Robles, 62, na umano’y hi­nihingan ng P30,000 ng suspek Pulero para sa kanyang certificate of non-recovery of motor vehicle matapos na ma-carnap ang sasakyan noong nakaraang taon at kailanganin nito ng naturang certificate para sa insurance claim.

Naaktuhan naman ng mga tauhan ni Placido na tinatanggap ni Pulero ang halagang P30,000 na na­ka­silid sa isang envelope sanhi upang arestuhin siya ganap na alas-9:00 ng umaga.

Show comments