Nagpaalam muna sa mga anak… Mag-asawa sabay nagpakamatay

MANILA, Philippines - Nagpaalam muna sa kanilang mga anak bago sabay nagpakamatay sa pamamagitan nang pagbibigti ang isang mag-asawa naganap kamakalawa sa loob ng kanilang bahay sa Brgy. Imulnod, Brooke’s Point, Palawan.

Batay sa ulat, pasado alas-5:00 ng hapon nitong Huwebes nang natagpuang nakabitin ang bangkay ng mag-asawang Caton Lee, 38 anyos at misis nitong si Lucinda, 44.

Sa pagsisiyasat ng pulis­ya, una umanong nagplano ang nasabing mister na nagpaalam pa sa kaniyang misis na magpapakamatay dahil sa nahihirapan na sa malubhang karamdaman na kaniyang dinaranas.

Hinihinala namang bagaman sumang-ayon ay nakiisa na rin ang nasabing misis  na sumama sa pagpapatiwakal ng mister kaya sabay silang nagbigti.

Nang kunan ng paha­yag ng mga imbestigador ang naulilang pamilya ng mag-asawa ay nabatid na bago ang insidente ay pinulong ng mag-asawa noong Miyerkules ang buong pamilya at nagpaalam na mawawala na umano silang dalawa.

Tinagubilinan rin ng mga ito ang kanilang mga anak na huwag mag-aaway at paghatian ng tama ang kanilang maiiwang kayamanan.

Ang bangkay ng na­kabigting mag-asawa ay magkatabi nang matagpuan sa kisame ng kanilang silid.

Wala namang nakitang foul play ang mga otoridad sa pagpapakamatay ng naturang mag-asawa.

Show comments