MANILA, Philippines - Si Philippine National Police (PNP) chief Director General Alan Purisima ang mangunguna sa pagbubukas ng 21st Defense & Sporting Arms Show (DSAS) Part 1 sa Hulyo 18, 2013 sa Megatrade Hall 1, 2, at 3, SM Megamall, Mandaluyong City.
Sinabi ni world shooting champion Jethro Dionisio, na siya ring pangulo ng Association of Firearms and Ammunition Dealers (AFAD), naimbitahan din dumalo sa seremonya ang iba pang mataas na opisyal ng PNP bilang kanilang tradisyunal na kaakibat sa pagsusulong ng kampanya sa responsible gun ownership.
Ang gun show ay bukas sa mga enthusiasts hanggang Hulyo 22, 2013 kung saan matatagpuan ang mga bagong armas at shooting paraphernalia.
Ayon kay Dionisio, tampok sa gun show ang libreng seminar ng mga eksperto sa armas mula sa 5Zero, Center for Pro-Shooters Association of the Philippines, na may titulong: Armed Women for Self Defense,†sa Hulyo 18, dakong 6:30 ng gabi.
Kabilang sa mga libreng seminar sa pinaka-matagal nang gun show sa bansa ay ang “Gun Safety and Responsible Gun Ownership†ni Eustacio “Jun†Sinco. Maaaring tumawag sa Tradeshow International, Inc. (DSAS event manager) sa 6713122 o 6718381-82.