^

Police Metro

Shine gas, huwag bilhin – Solon

Gemma Amargo-Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Huwag bilhin ang Shine gas ng Tsina dahil hindi dumaan sa tamang pagsusuri, ito ang babala kahapon ni LPG Marke­ters’ Association (LPG-MA) party-list Rep. Arnel Ty sa mga mamimili.

Ang babala ay ginawa ng mambabatas matapos ang insidente nang pagsabog ng tangke ng LPG sa Paco, Manila  na ikinasugat ng 15 katao kabilang na ang dalawang bata. Paliwanag pa ni Ty na ang Shine Gas tanks ay dinala sa Pilipinas nang wala umanong Import Commodity Clearance (ICC) mula sa Department of Trade and Industry (DTI).

Ang  ICC ay isang do­kumento na nagpapatunay na sumunod ang isang imported na produkto sa mandatory Philippine standards.

Hinihiling ni Ty sa DTI na kumpiskahin ang Shine gas cylinders upang hindi magdulot ng perwisyo o panganib sa publiko.

Base sa datos tinatayang  nasa 10 LPG accidental explosions ang nagaganap kada buwan kung saan ka­ramihan dito ay sanhi ng substandard at hindi ligtas na tangke, tulad ng gawa umano ng Shine Gas.

Isa sa mga depektong nakita umano sa tangke ng Shine Gas ay ang madaling pagkakakalas ng balbula o valves mula sa tangke dagdag pa dito  ang hindi pagdaan sa Phi­lippine safety standards.

ARNEL TY

DEPARTMENT OF TRADE AND INDUSTRY

HINIHILING

HUWAG

IMPORT COMMODITY CLEARANCE

ISA

PALIWANAG

SHINE GAS

TY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with