Dinukot na Chinese nasagip… 3 KFR dedo sa shootout
MANILA, Philippines - Dedo ang tatlong miÂyembro ng KidÂnap for Ransom (KFR) Gang habang maÂtagumpay naman nasagip ang isang mayamang negosyanteng Chinese na kanilang dinukot sa naganap na shootout sa Davao City kahapon ng tanghali.
Kinilala ni Sr. Supt. Roland dela Rosa, Director ng Davao City Police ang nasagip na biktima na si Sally Chua, residente ng San Francisco del Monte, Quezon City na kinidnap noong Hulyo 5 sa Maynila at dinala sa lungsod ng Davao.
Ang tatlo naman na napatay na kidnaper ay kasalukuyan pang inaalam ang kanilang identity habang ang isa sa kanila ay naaresto na ngayon ay isiÂnasailalim sa tactical interrogation.
Nabatid na dakong alas-12:30 ng tanghali nang magsagawa ng opeÂrasyon ang pinagsanib na elemento ng PNP-Anti KidÂnapping Group at DaÂvao City Police sa pamumuno ni dela Rosa sa kaÂhabaan ng CM Recto sa tapat ng Allied Bank sa lungsod ng Davao.
Ang ginang ay ibiniyahe ng tinatayang nasa 14 kidnappers sa Davao City upang doon umano mag-withdraw ng P15-M ransom na hinihingi ng mga ito kapalit ng kalayaan ng negosyante.
Ayon kay dela Rosa habang nasa loob ng bangko ang ginang para mag-withdraw ng pera sa nasabing bangko sa kahabaan ng CM Recto Avenue habang patungo ito sa teller ay bigÂlang puÂmalag na nagsilbing hudyat sa mga awtoridad para kumilos na.
Nagkaroon ng putukan sa pagitan ng mga awtoridad at mga kidnapper na sakay ng isang behikulo at naghihintay sa labas ng bangko habang ang isa namang escort ng ginang sa loob ay agad dinakma ng nakaposteng mga awtoridad na nagmamanman sa mga ito.
Nagawa namang maÂkatakas ang sampu pang kidnapper na sakay naman ng isang kulay puÂting Montero na nasa di kalayuan at nagsisilbing lookout sa insidente.
Narekober sa pinangyarihan ng insidente ang pitong matataas na kalibre ng armas, isa pang Mitsubishi Montero, sari-saÂring magazine at mga bala.
- Latest