Espina bagong CDS ng PNP

MANILA, Philippines - Itinalaga kahapon bi­lang bagong Chief of the Directorial Staff (CDS) o number 4 man ng Phi­lippine National Police (PNP) si P/Director Leo­nardo Espina matapos itong alisin na bilang Com­mander ng National Capital Region Police Office (NCRPO).

Kinumpirma ni PNP-Public Information Office (PNP-PIO) Chief P/Sr. Supt. Reuben Theodore Sindac.

Ayon kay Sindac, bilang bahagi ng revamp sa PNP, si Espina ay itinalaga sa nabakanteng puwesto  bilang Chief of the  Directorial Staff (CDS).

Gayunman, hindi naman nagbigay ng detalye si Sindac kung sino ang hahalili sa binakanteng po­sisyon ni Espina sa pagsasabing abangan na lang ang susunod na kabanata .

Samantalang matunog naman sa nasabing puwesto para maging susunod na NCRPO Commander si Police Regional Office (PRO) 7 Director P/Chief Supt. Marcelo Garbo.

Show comments