MANILA, Philippines -Hindi magpapatali ang Malacañang sa kondisÂyong inilatag ng Taiwan sa PiÂlipinas bago nila alisin ang freeze hiring sa mga OFW’s.
Ayon kay Presidential Spokesman Edwin LacierÂda, ilalabas ng gobyerno ang report ukol sa inimbestigahang pagkamatay ng Taiwanese fisherman sa Balintang Channel batay sa mga ebidensiyang nakalap at hindi dahil sa anumang pressure na magmumula sa Taiwan.
Kabilang sa kondisyon na ibinigay ng Taiwan bago nila alisin ang freeze hiring ng mga OFW’s ay ilabas na agad ang investigation report ng NBI ukol sa napatay na Taiwanese fisherman ng Philippine Coast Guard sa Balintang Channel gayundin ang pagbabayad ng tamang compensation sa pamilya ng mangingisda Taiwanese.
Magugunita na napaulat na may 10,000 OFW’s sa Taiwan ang hindi na na-renew ang kanilang mga kontrata bukod sa ipinataw na freeze hiring nito sa mga OFW’s matapos mapatay ang kanilang mangingisda ng Coast Guard sa BalinÂtang channel.
Nilinaw din ng tagaÂpagsalita ng Malacañang, na nasa 6,000 lamang at hindi 10,000 ang mga OFW’s na apektado ng freeze hiring matapos hindi na ma-renew ang kanilang mga work contract sa Taiwan.
Idinagdag pa ni LacierÂda, may mga alternative na overseas job para sa mga 6,000 OFW’s na ito na makikita sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA).