^

Police Metro

2 pagsabog sa Cotabato… bar manager dedo

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines -Dedo ang manager ng isang KTV bar habang apat pa ang nasugatan sa patuloy na paghahasik ng takot at sindak ng mga pasaway na miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) kung saan ay dalawang insidente ng pagpapasabog ang kanilang ginawa kamakalawa ng gabi. Kinilala ni Cotabato City Police Director P/Sr. Supt. Rolen Balquin ang nasawi na si Reynaldo Pascua, ma­nager ng Café Florencio and KTV bar, na binawian ng buhay sa pagamutan.

Patuloy namang nilalapatan ng lunas sa Cotabato Regional Medical Center ang mga sugatang sina Aileen Coquia, 35 anyos; James Bryan Fernando, 22, waiter ng Café Fernando; Lolong de los Reyes at Winnette Guerra, 32 anyos; pawang residente ng lungsod.

Sa imbestigasyon, dakong alas-8:45 ng gabi ng maganap ang unang pagsabog sa isang bakanteng lote sa kahabaan ng Rufo Manara Street, Rosario Heights 10 ng lungsod.

Walang naiulat na nasugatan at nasawi sa unang pagsabog kung saan ay agad nagsagawa ng post blast investigation ang pinagsanib na elemento ng pulisya at militar.

Bandang alas-9:20 naman ng gabi ng maganap ang ikalawang pagsabog sa Café Florencio and KTV Bar na matatagpuan sa Sinsuat Avenue, Rosario Heights 7 ng lungsod  may 300 metro ang layo sa pinangyarihan ng unang pagsabog.

AILEEN COQUIA

BANGSAMORO ISLAMIC FREEDOM FIGHTERS

COTABATO CITY POLICE DIRECTOR P

COTABATO REGIONAL MEDICAL CENTER

FLORENCIO

JAMES BRYAN FERNANDO

REYNALDO PASCUA

ROLEN BALQUIN

ROSARIO HEIGHTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with