^

Police Metro

Dalagita binoga, patay

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines -Patay ang isang dalagita habang kritikal ang ate nito matapos na pagbabarilin ng hindi pa nakilalang mga armadong kalalakihan sa harapan ng isang KTV bar sa Pagadian City, Zamboanga del Sur kamakalawa.

Kinilala ang nasawi na si Sarah Jane Malagar, 16 anyos, idineklarang dead on arrival sa  Zamboanga del Sur Medical Center.

Patuloy namang nilalapatan ng lunas sa pagamutan ang nakatatandang kapatid ng biktima na si Jane Rose Malagar, 18 taong gulang. Ayon kay Police Regional Office (PRO) 9 Spokesman Chief Inspector Ariel Huesca, bandang ala-1:15 ng madaling araw habang nakatayo ang magkapatid sa harapan ng D’ Bistro KTV Bar sa kahabaan ng Jamisola Extension, Santiago City ng lungsod ng mangyari ang insidente.

Bigla na lamang umanong sumulpot ang mga salarin na lulan ng motorsiklong Honda XRM  na kulay pula at pagtapat sa magkapatid ay pinagbabaril ang mga ito.

Ang magkapatid ay nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan na mabilis na isinugod sa pagamutan para malapatan ng lunas pero nabigo ng mailigtas ang 16 anyos na dalagita.

vuukle comment

AYON

JAMISOLA EXTENSION

JANE ROSE MALAGAR

PAGADIAN CITY

POLICE REGIONAL OFFICE

SANTIAGO CITY

SARAH JANE MALAGAR

SPOKESMAN CHIEF INSPECTOR ARIEL HUESCA

SUR MEDICAL CENTER

ZAMBOANGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with