MANILA, Philippines -Napisak ang ulo at labas ang utak ng isang 51-taong gulang na riÂder makaraang masagi, pumailalim at magulungan ng nakasabay na 10-wheeler truck sa Paco, Maynila kahapon ng umaga.
Ang biktima ay nakiÂlala sa pamamagitan ng lisensiya ay si Noel Floretes, 51, ng C-7, Lot 14 Area C, Dasmariñas City, Cavite.
Sa ulat ng Manila Traffic Bureau, dakong alas-10:00 ng umaga nang maganap ang insidente sa panulukan ng Quirino highway at Pedro Gil. St., Paco, Maynila.
Ayon sa report, magkasabay pa-southbound ng Quirino highway ang biktima na sakay ng kanyang itim na motorsiklo na Rusi (TL 1532) at truck (TVJ 798) nang masagi ito at mabuwal saka pumailalim.
Nabiyak ang helmet ng biktima kaya napisak ang ulo nito at nagkalat ang kanyang utak sa kalÂsada.
Inabandona naman ng driver ang minamanehong 10-wheeler truck dahil sa takot na kuyugin ng taong bayan.