2 trader pinatay
MANILA, Philippines -Dalawang lalaking neÂgosyante ang pinatay sa magÂkahiwalay na insidente sa Maynila at Surigao del Sur.
Ang biktima na idinekÂlaÂrang dead-on-arrival sa Justice Jose Abad Santos General Hospital dahil sa tama ng bala sa ulo ay kinilalang si Jaime Javier, 45, ng Block 6, Lot 6 Yakal St., Camella Homes, Bacoor City, Cavite.
Sa ulat, pasado alas-12:50 ay nagbebenta ng mga kalabasa ang biktima sa kanto ng CM Recto at Elcano St.,Tondo nang dumating ang hindi nakilalang lalaki at walang sabi-sabing binaril ito sa ulo.
Patay din sa pamamaril at pananaksak ang negosÂyante na si Graciano Tayco, 38 ng dalawang hindi pa kilalang lalaki sa Brgy. Sta. Fe, Tagbina, Surigao del Sur kamakalawa.
Sa ulat, lulan ang biktima ng kaniyang motorsiklo pauwi na sa bahay mula sa sabungan sa Brgy. Poblacion nang harangin ng mga suspek at barilin ng tatlong beses.
Bagaman sugatan ay pinasibad ang motorsiklo, subalit hinabol ito ng dalawang salarin at ng malapit ng makorner sa panulukan ng Lot 2 ng Sumifru Banana Plantation ay muling binaril ng dalawang beses.
Hindi pa nasiyahan ang dalawang suspek ay nilapitan ito at pinagsasakÂsak ng limang beses upang masigurong hindi na mabuÂbuhay pa.
Narekober naman ng mga nagrespondeng eleÂmento ng pulisya ang bangkay ng biktima na may tatÂlong tama ng bala sa tiyan, dalawang tama ng bala sa kanang hita mula sa hindi pa natukoy na kalibre ng armas, isang saksak sa kanang palad at limang sakÂsak sa likurang bahagi ng katawan.
- Latest