MANILA, Philippines - Nasa 10 matataas na opisyal ng Manila PoÂlice District (MPD) ang sinibak sa puwesto simula nang umupo si Manila Police District C/Supt. IsaÂgani Francisco Genabe Jr.
Sa isang special orders no.1344 na natanggap ng MPD at may petsang Hulyo 8, 2013, bukod sa tatlong unang nasibak na sina P/Supts. Alexander Navarette, Reynaldo Nava at Ernesto Tendero ay sinibak ang pitong iba pa na sina P/Supts.Ferdinand Quirante, Frumencio Bernal, ReÂmeigio Sedanto, Edgar Ferrater, James Jamandre, Milo Maitim at Francisco Gabriel na inilagay sa ReÂgional Personnel Holding and Accounting Unit (RPÂHAU) ng National Capital Region Police Office.
Nagpa-imbentaryo si Genabe sa mga pulis na ‘lulubog-lilitaw’ sa opisina at iniutos sa personnel department ng MPD na gumawa ng release order sa lahat ng mga pulis na umisnab sa ipinatawag niyang recall for MPD police personnel para sa accounting of personnel.
Napag-alaman din na may mga pulis din na pumapasok sa PAGCOR sa UN Avenue at nagsisilbing security personnel, habang ang iba naman ay nagba-body guard na sa ilang pribadong indibiduwal na pinagbabawal sa sistema sa pagpupulis.