MANILA, Philippines - Kinunan pa ng litrato ng mga suspek ang isang 22-anyos na binata bago nila ito pagbabarilin haÂÂbang naghahapunan kamaÂkalawa ng gabi sa Quezon City.
Ang nasawi ay kinilaÂlang si Nathaniel Romero ng no.024 Creekside, Pilot Drive, Brgy. CommonÂwealth.
Batay sa ulat, dakong alas-11:00 ng gabi ay kuÂmaÂkain ang biktima sa isang kaÂrinderya sa nasaÂbing lugar nang sumulpot sa likuran ang tatlong laÂlaki at pinagbabaril ito.
Isang saksi ang nagsabi na bago ang insidente ay nakita pa niya ang tatlong lalaki na palakad-lakad malapit sa tindahan at kiÂnukunan pa ng litrato ang biktima.
Ilang sandali, isa sa mga suspek ang lumapit sa biktima at pinagbabaril ito.
Matapos ang pamaÂmaril ay agad na umalis ang mga suspect patungo sa MRB subdivision kung saan sila huling nakitang lumabas.
Ayon sa kapatid ng biktima na si Leeway, 26, na ang kanyang kapatid ay nahuli sa kasong robbery at napiit ng ilang buwan sa Batasan Hills Police Station.
Tinitingnan ng mga otoriÂdad kung may kinalaÂman sa dating kaso ng bikÂtima ang pagpatay sa kanya. Narekober sa lugar ang apat na basyo at isang depormadong bala ng kalibre 38.