MANILA, Philippines - Kinarnap ng mga armadong kalaÂlakihan ang isang sport utility vehicle at kasama sa natangay ang dalawang sakay na bata na papasok sa kanilang eskwelahan naganap kahapon ng umaga sa Regalado Avenue, Quezon City.
Sa inisyal na ulat, dakong alas-6:00 ng umaga nang maganap ang pagkarnap ng mga suspek sa isang berdeng MiÂtÂsubishi Adventure (ZGK 141) na minamaneho ng isang Cerelio Villa, faÂmily driver na maghahatid sa dalawang batang amo sa eskwelahan ng mga ito.
Nabatid na tinatahak ng Adventure ang kahabaan ng Regalado Avenue, Brgy. Pasong Putik nang biglang banggain ang kanilang side mirror ng isang puting Mitsubishi Montero.
Dito ay bumaba ang mga suspek na sakay ng Montero at nagpaputok ng kanilang mga baril at kasunod ay agad na pinasok ang Adventure saka kinomander sakay ang mga bata. Nakatakas naman ang driver ng Adventure saka dumulog sa himpilan ng pulisya.
Nagpalabas na ng flash alarm ang QC Police District (QCPD) laban sa puting Mitsubishi Montero, habang patuloy ang follow-up investigation dito.
Hindi pa rin tukoy ng otoridad kung kidnapping ang motibo sa insidente.
Sinasabing sakay ng naturang SUV ang dalawang bata na galing sa Caloocan City at ihahatid sana sa isang paaralan (Mater Carmeli School) sa Quezon City nang mangyari ang insidente.