Erap patuloy ang pagsibak sa mga MPD station chief

MANILA, Philippines -Isa pang Manila Po­lice District station com­mander ang sinibak kaha­pon ng bagong upong si Manila Mayor Joseph Es­trada.

Ayon kay MPD chief Supt. Isagani Genabe Jr. na nagpalabas ng kautusan si Estrada sa pagsibak kay Supt. Er­nesto Tendero Jr. ng MPD Station 2 dahil sa ka­bi­guan nitong re­sol­ba­hin ang mabigat na daloy ng trapiko sa kan­yang na­­sa­sakupan.

Sinibak din ni Estrada si Manila Police District Traffic Enforcement Unit head Supt. Reynaldo Nava.

Magugunita na una nang sinibak si Supt. Alexander Navarette, ng MPD Station 11 sa Bi­nondo na pinalitan ni Supt. Wilson Doromal, dahil sa pagkalat ng mga illegal vendors sa lan­sa­ngan na umano ay du­ma­mi dahil sa pagtanggap ng suhol ng mga pulis.

Show comments