MANILA, Philippines -Dead-on-the-spot ang biktimang si Dianne Banez, 21, pawnshop teller habang sugatan ang kasama nitong si Mayharvy Elijano, 21 nang sila ay barilin ng holdaper kahapon sa bayan ng Catarman, Northern Samar.
Batay sa ulat, dakong alas-9:00 ng gabi nang pasukin at holdapin ng mga kalalakihan ang PaÂlawan Pawnshop sa harapan ng University of Eastern Philippines College of Arts and Communications.
Binaril ang teller na sina Banez at Elijano na kung saan ay nasawi ang una dahil hindi agad naibigay ang pera na nakatago sa vault na may ‘time delay lock’.