^

Police Metro

May sakit na TB, nagbigti

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Bunsod ng pagkakaroon ng sakit na Tuberculosis (TB) kaya ipinasya ng isang 24-anyos na lalaki na tapusin ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pagbigti sa sarili sa loob ng kubeta sa Bayugan City, kahapon ng umaga.

Ayon sa ulat ng Bayu­gan Police Station, ang biktima ay nakilalang si Ariel Alliones Bolangaita, gasoline boy ng ASG Power Fuel Station sa Purok 9 ng nasabing lugar.

Ang biktima ay natag­puang walang buhay na nakabitin sa kisame sa banyo ng kanyang amo na si Ronald Anciado ganap na alas-6:00 ng umaga.

Dumating umano si Ronald sa gas station at napunang nakakandado ang loob ng pintuan ng CR nito.

Tinawag ni Ronald ang biktima pero hindi ito sumasagot kung kaya humingi na ng tulong ito sa kapitbahay at sapilitang binuksan ang pinto.

Pagkabukas ng CR ay saka nadiskubre ang naka­biting katawan ng biktima. Sa pagsisiyasat ng awtoridad, si Bolangaita ay nakakaranas umano ng madalas na pagdura ng dugo dahil sa sakit na TB at itineks na niya ito sa kanyang kaanak at nagsabing hindi na niya kaya ang kanyang sakit.

vuukle comment

ARIEL ALLIONES BOLANGAITA

AYON

BAYU

BAYUGAN CITY

BOLANGAITA

BUNSOD

POLICE STATION

POWER FUEL STATION

RONALD ANCIADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with