^

Police Metro

2 banyagang estudyante tiklo sa PDEA

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nadakip ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang tatlong katao kabilang ang dalawang banyagang estud­yante sa isang entrapment ope­ration sa Dasmariñas City, Cavite kamakailan.

Ang mga nahuling sus­pek ay kinilalang sina Vire Solomon, 19; Gibson Tari, 25, kapwa dayuhan at mga estudyante mula Republic of Vanuatu, isang isla na ma­tatagpuan sa South Pacific Ocean na pansamantalang nanunuluyan sa Barangay Langkaan, Dasmariñas City, Cavite at Eduardo Gocotano Jr., alias Kaloy, 28 ng  Block 29-B, Lot 5, CHRV ng nasabing lugar.

Batay sa ulat, noong Huwebes ng madaling-araw sa kahabaan ng Congressional Avenue, Pasong Lawin, Dasmariñas City, Cavite nang isagawa ang entrapment ope­ration at dito ay nakumpiska sa mga suspek ang isang brick  na tuyong dahon ng marijuana, 12 plastic sachets na may lamang marijuana, isang botelya ng hinihina­lang Psilocybine, kilala rin sa tawag na  Magic Mushroom, isang mapa­nganib na droga at isang smoking pipe.

BARANGAY LANGKAAN

CAVITE

CONGRESSIONAL AVENUE

DASMARI

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

EDUARDO GOCOTANO JR.

GIBSON TARI

MAGIC MUSHROOM

PASONG LAWIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->