MANILA, Philippines - Naipit ang isang negosÂyante na nakaupo sa unahan matapos na mahulog sa baÂngin ang sinaÂsakyang cargo truck na may kargang mga copra sa bulubunduking bahagi ng Brgy. Lintangan, Sibuco, Zamboanga del Norte kamakalawa.
Ang biktima na namatay noon din ay kinilalang si Jun Alas-as, nasa hustong gulang ng Sibuco, Zamboanga del Norte.
Isinugod sa Labuan Public Hospital ang mga nasuÂgatang pasahero.
Batay sa ulat, alas-12:00 ng tanghali ay binaÂbaybay ng Mitsubishi cargo truck (YGP-251) ang highway na sakop ng Sitio Mulog, Brgy. Lintangan, Sibuco na minamaneho ng isang alyas Boyet na may lulan na 20 kabilang ang amo na si Alas-as at 35 sako ng copra.
Nang aksidente umaÂnong nawalan ng kontrol sa manibela ang driver hangÂgang sa mahulog sa bangin ang truck.