Libu-libong pasahero stranded kay Gorio

MANILA, Philippines - Inihayag kahapon ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Executive Director Eduardo del Rosario, umaabot na sa 6,572 pasahero ang stranded sa mga pantalan bunga ng malalakas na pag-ulang dulot ng pa­nanalasa ng bagyong Gorio sa mga apektadong lugar sa Region V, VI, VIII at CARAGA ma­tapos na mag-landfall kahapon dakong alas-10:32 ng umaga si Gorio sa Her­na­ni, Eastern Samar.  

Nasa ilalim ng signal number 2 ang lalawigan ng Masbate kabilang ang Ticao at Burias Island, Catanduanes, Cama­rines Sur, Camarines Nor­te, Albay, Sorsogon; pawang sa Bicol Region; Marinduque, Quezon kabilang ang Pollilio Islands, Samar Provinces, Biliran at Leyte.

Samantala, kabilang naman ang Metro Manila sa nasa ilalim ng signal number 1 gayundin ang mga lalawigan ng Romblon, Oriental Mindoro, Batangas, Laguna, Cavite, Rizal, Bataan, Bulacan, Zambales, Tarlac, La Union, Benguet, Ifugao, Nue­va Vizcaya, Quirino, Aurora, Nueva Ecija, Pam­panga, Pangasinan, Southern Leyte, Capiz, Aklan, Eastern Iloilo, Nor­thern Cebu kabilang ang Camotes at Bantayan Islands.

Nagbabala si Del Ro­sario sa mga naninirahan sa mga mababa at bulu­bunduking lugar sa mga lalawigang nasa ila­lim ng signal number 1 at 2 na mag-ingat sa panganib na maaring idu­lot ng landslide at flashflood.

Show comments