Bala sa ama, sinalo ng sanggol
MANILA, Philippines - Isang 6 buwang gulang na sanggol ang nasa kritikal na kalagayan matapos na tamaan ng ligaw na bala habang nasa kuna nang pagbabarilin ang kanyang ama ng kaaway nito kamakalawa sa bayan ng Remedios Lim, Zamboanga Sibugay.
Ang biktima na inoobserbahan sa Ipil Municipal Hospital ay kinilalang si Rizel Pretila, nagtamo ng tama ng bala sa katawan.
Batay sa ulat, dakong alas-8:00 ng gabi ay mahimbing na natutulog ang sanggol sa kuna sa kaÂnilang bahay sa Purok Bayabas, Brgy. Ali Alsree ng bayang ito nang sumiÂlip ang isang armadong lalaki na umano ay kaaway ng ama ng sanggol.
Agad inumangan ng nasabing lalaki ng baril ang ama ng sanggol na si Roberto Pretila na nagÂtatakbo sa kusina ng kaÂnilang bahay upang magkubli habang pinapuputukan ng kaaway nito.
Tumakas ang nasabing lalaki matapos itong magmintis at dito ay napuna ng ina ang sanggol na umaÂagos ang dugo mula sa kuna nito.
Nagsisigaw ang ina ng sanggol ng makitang may tama ang anak at mabilis na isinugod sa pagamutan para malapatan ng lunas.
- Latest