Tserman, misis utas sa tandem

MANILA, Philippines - Isang barangay chairman at misis nito ang nasawi matapos na sila ay pagbabarilin ng mga suspek na nakamotorsiklo kahapon ng umaga sa Dolores, Quezon.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Ricardo Romero, 58, negosyante, chairman ng Brgy. Bulakin II at misis nitong Vilma Romero; 48, court employee sa Dolores Municipal Trial Court (MTC).

Batay sa ulat, alas-6:50 ng umaga ay lulan ang mag-asawa ng Toyota Revo (WJV 839) matapos mag-deliver ng mga bakery products sa Gurano St., Brgy.Bayanihan at pauwi na sa kanilang bahay nang lapitan at pagbabarilin ng mga armadong salarin na sakay ng motorsiklo.

Show comments