MANILA, Philippines - Dead-on-the spot ang dalawang lalaki na miyembro ng Cafgu matapos na sila ay pagbabarilin ng mga miyembro ng New People’s Army (NPA) kamakalawa ng hapon sa Brgy.Malawanit, Magsaysay, Davao del Sur.
Ang mga nasawi ay kinilalang sina Nelson Caballero at Lemuel Modesto, 35-anyos na pawang nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Batay sa ulat, dakong alas-3:10 ng hapon ay kasalukuyang pabalik na sa kanilang patrol base sa ilalim ng Army’s 72nd Infantry Battalion sa Brgy. Bacungan ang dalawang biktima mula sa pamamalengke nang paulanan ng bala ng mga rebelde.
Ang mga rebelde ay natukoy namang mula sa grupo ng NPA Committee Front 74 na pinamumunuan ni Jojo Bulahing alyas Commander Bunso at tinutugis na.