MANILA, Philippines - Nagsagawa ng air strike operation ang pamahalaan sa kuta ng mga kidnapper na may hawak sa bihag na magkapatid na Fil-Algerian sa Sitio Minjay, Patikul, Sulu na kung saan ay nasawi ang dalawang miÂyembro ng mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) habang isa ang sugatan kamakalawa sa Sitio Minjay, Patikul, Sulu.
Ang mga napaslang ay kinilalang sina Kasim Hajan at Rakman Malim habang ang nasugatan ay si Muhammad Nur Sawajaan, na anak ni Abu Sayyaf Sub-leader Hatib Hajan Sawajaan na nagkukuta sa kagubatan ng Sulu.
Ang mga nasabing bandido ay responsable sa pagbihag sa magkapatid na sina Linda Abdel at Nadova Abdel Basit na kapwa film maker.
Ang magkapatid ay kinidnap ng pitong mga armadong bandido na pinamumunuan umano ni Commander Ninok Sappari noong nakalipas na Hunyo 22 sa Sitio Baunuh, Brgy. Liang, Patikul, Sulu.
Batay sa ulat,bandang alas-11:00 ng tanghali nang ibagsak ng MG520 attack helicopter ang bomba sa pinagkukutaan ng mga bandidong Abu Sayyaf Group.