Tribung Blaan kinondena ang German human rights study
MANILA, Philippines -Kinondena ng katutubong Blaan ang human rights impact assessment (HRIA) na ginawa ng isang grupong Aleman “bilang insulto sa tribung Blaan at sa kanilang nakatatanda.â€
Bukod sa walang katoÂtoÂhanan at ibinase sa opinyon ng mangilan-ngilang kontra sa pagmimina, ang pag-aaral ay may kaugnaÂyan sa Tampakan Copper Gold Project (TCGP) proÂject ng Sagittarius Mines, Inc.’s (SMI) na nasa hanggahan ng South Cotabato, Davao del Sur, Sarangani at Sultan Kudarat at nasa ancestral domain ng mga Blaan.
Ayon sa pahayag na nilagdaan ng mga lider ng katutubong Blaan, isang paghuhusga ang HRIA sa halip na pagtatasa ay walang mga matibay na basehan.
Pinabulaanan ng mga Blaan ang pag-aaral na pulos pananakot lamang, walang silbi at walang kreÂdibilidad pero maaaring magamit umano para makalikom ng pondo sa donor agencies at sa mga gobyerno sa Europe para sa mga aktibidades na lumalabag sa kanilang karapatan bilang mga katutubong mamamayan at naglalayong wasakin ang responsableng kompanya dahil ang grupo ay hindi humingi ng FPIC para sa HRIA kaya nilabag ang kanilang mga karapatan.
Isinagawa ang pag-aaral ng Institute for Development and Peace (INEF) na nakabase sa Duisburg-Essen University sa Germany at kinomisyon ng tatlong Swiss at German non-governmental organizations, ang Misereor (the German Catholic Bishops’ OrganiÂzation for Development Cooperation), Fastenopfer (Swiss Catholic Lenten Fund) at Bread for All.
- Latest