Pinagmumura at pinagbabato… Ginang pinatay ng 80-anyos na ama
MANILA, Philippines -Napatay ng isang 80-anyos na ama ang kanyang 36-Âanyos na anak na babae nang saksakin niya ito sa leeg bilang ganti sa giÂnawang pagmumura at pagbato sa kanya nito kasama ang mister matapos ang mainitang pagtaÂtalo kamakalawa sa Brgy.Pencisa Lamaya, Sergio Osmeña Sr., Zamboanga del Norte.
Namatay noon din ang biktima na si Erlinda Calunsag sa tinamong saksak sa leeg mula sa 9 pulgadang patalim.
Kusang loob namang sumuko dakong alas-7:20 ng gabi sa otoridad ang suspek na si Mateo Solis, biyudo na sinamahan sa himpilan ng pulisya ni Brgy. Chairman Rodolfo Omandam.
Batay sa ulat, bago naÂganap ang insidente bandang alas-5:00 ng hapon ay nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng maÂtanda at ng manugang nitong si Eddie Calunsag, 42-anyos at kinampihan ng ginang ang mister at piÂnagmumura rin ang ama.
Ayon kay Inspector Jaime Tanola, Deputy Officer in Charge ng Sergio Osmeña Police, sinipa ng mag-asawa ang matanda at binato pa ito kung saan nagtatakbo ang matanda ay hinabol pa ng mga ito upang bugbugin umano.
Sa puntong ito ay binuÂnot ng matanda ang paÂtalim na nakasukbit sa kaÂniyang baywang at ng sugurin ng anak ay tinarakan niya ito sa leeg na siya nitong agarang ikinasawi habang nagawa namang makatakbo ng mister nito.
- Latest