Brgy. at SK elections entry point ng political dynasty

MANILA, Philippines -Nagiging entry points ng political dynasties ang barangay at SK elections kung saan  kinakasangkapan ng maraming elected officials ang SK para maipasok ang kani-kanilang mga anak at kamag-anak bilang paghahanda sa mas mataas na posisyon sa local at national government.

Ito ang paniniwala ni Pa­rish Pastoral Council on Res­ponsible Voting (PPCRV) chairperson Henrietta de Villa at napapanahon na bisitahin at tingnan ang SK law kung nakakatulong na maging ma­buting lider ng bansa ang mga kabataan o nagiging instrumento lamang para matuto ng katiwalian sa kanilang murang edad ang mga batang lider.

Binigyan diin pa ni De Villa na masyado ng politici­zed ang barangay election kung saan ang mga opisyal ay sumusunod lamang sa bawat naisin ng mga halal na alkalde at gobernador.

Kaugnay nito, sinabi ni De Villa na kailangang maglunsad ang PPCRV ng malawakang “voters education” sa bawat barangay sa bansa para malaman ng mga mamamayan at mga barangay officials na na­pakahalaga ng kanilang right at responsibilities.

Show comments