Maraming solons sumailalim sa stem cell

MANILA, Philippines -Bukod sa dalawang nama­ya­pang solon na sina Bohol Rep. Enrico Aumentado at Camiguin Rep. Pedro Ro­mualdo ay marami pa uma­nong mga kongresista ang su­mailalim sa stem cell therapy sa Germany.

Pinabulaanan naman ng anak ni Enrico na si incoming Rep. Aris Aumentado na nama­tay ang kanyang ama dahil sa stem cell therapy kundi sa pneumonia.

Bagamat inamin na su­ma­ilalim sa na­turang procedure ang ama noong September 2012 ay nakatulong pa umano ito para makalakad ang kanyang ama kahit walang saklay.

Samantala, kinumpirma naman ni outgoing Agham partylist Rep. Angelo Palmo­nes, chairman ng House Com­mittee on Science and Tech­nology mayroon pang isa grupo ng mga Mayor mula sa Mindanao ang nakatakdang magtungo sa Europe para bu­misita sa isang stem cell clinics sa Germany.

Inamin ni Palmones na ang isang beteranong mambabatas na namatay noong 15th congress ay sumailalim sa stem cell therapy, subalit pinagtatalunan pa umano kung ito ang naging dahilan ng kanyang kamatayan.

Kabilang sa mga namatay noong 15th Congress ay sina Negros Occidental Rep. Ig­na­cio Arroyo, 62, noong Enero 26, 2012 sa London dahil sa sakit sa liver cancer sa London ha­bang si Aumentado, 72, ay inatake sa puso mismong araw ng kapaskuhan.

Habang si Romualdo na­man ay sumakabilang buhay habang nasa kasagsagan ng kampanya noong April 24 da­hil sa sakit sa cancer sa edad na 77.

Kabilang pa sa mga nama­tay na kongresista noong 15th Congress ay sina Reps.Antonio Diaz, 83 dahil sa kumplikasyon sa sakit na diabetes noong Agos­to 2, 2011 habang si Caga­yan Rep. Florencio Var­gas, 79 ay nasawi dahil sa leu­ke­mia matapos manalo sa 2010 elections.

Sinabi naman ng Philippine Medical Association (PMA)  wala pa silang pruweba kung sino sa mga nasabing mam­­babatas na nasawi ang su­ma­ilalim sa stem cell the­rapy.

Show comments