Maraming solons sumailalim sa stem cell
MANILA, Philippines -Bukod sa dalawang namaÂyaÂpang solon na sina Bohol Rep. Enrico Aumentado at Camiguin Rep. Pedro RoÂmualdo ay marami pa umaÂnong mga kongresista ang suÂmailalim sa stem cell therapy sa Germany.
Pinabulaanan naman ng anak ni Enrico na si incoming Rep. Aris Aumentado na namaÂtay ang kanyang ama dahil sa stem cell therapy kundi sa pneumonia.
Bagamat inamin na suÂmaÂilalim sa naÂturang procedure ang ama noong September 2012 ay nakatulong pa umano ito para makalakad ang kanyang ama kahit walang saklay.
Samantala, kinumpirma naman ni outgoing Agham partylist Rep. Angelo PalmoÂnes, chairman ng House ComÂmittee on Science and TechÂnology mayroon pang isa grupo ng mga Mayor mula sa Mindanao ang nakatakdang magtungo sa Europe para buÂmisita sa isang stem cell clinics sa Germany.
Inamin ni Palmones na ang isang beteranong mambabatas na namatay noong 15th congress ay sumailalim sa stem cell therapy, subalit pinagtatalunan pa umano kung ito ang naging dahilan ng kanyang kamatayan.
Kabilang sa mga namatay noong 15th Congress ay sina Negros Occidental Rep. IgÂnaÂcio Arroyo, 62, noong Enero 26, 2012 sa London dahil sa sakit sa liver cancer sa London haÂbang si Aumentado, 72, ay inatake sa puso mismong araw ng kapaskuhan.
Habang si Romualdo naÂman ay sumakabilang buhay habang nasa kasagsagan ng kampanya noong April 24 daÂhil sa sakit sa cancer sa edad na 77.
Kabilang pa sa mga namaÂtay na kongresista noong 15th Congress ay sina Reps.Antonio Diaz, 83 dahil sa kumplikasyon sa sakit na diabetes noong AgosÂto 2, 2011 habang si CagaÂyan Rep. Florencio VarÂgas, 79 ay nasawi dahil sa leuÂkeÂmia matapos manalo sa 2010 elections.
Sinabi naman ng Philippine Medical Association (PMA) wala pa silang pruweba kung sino sa mga nasabing mamÂÂbabatas na nasawi ang suÂmaÂilalim sa stem cell theÂrapy.
- Latest