Pumalag sa karnaper, tinodas

MANILA, Philippines -  Dead-on-the spot ang isang 21-anyos na lalaki matapos na pagbabarilin nang pumalag sa dalawang karnaper na puwersa­hang tumangay sa kaniyang motorsiklo kamakalawa sa Remedios Trinidad Lim, Zamboanga Sibugay.

Ang nasawi ay kinilalang si Arnold Potayre, ng Brgy. Taruc, Remedios Trinidad Lim ng lalawi­gan.

Batay sa ulat, bandang alas-9:30 ng umaga nang mangyari ang insidente sa Purok Orchids, Brgy. New Antique ng lalawigang ito.

Nabatid na hinarang ng mga  suspek ang biktima at sapilitang inagaw ang motorsiklo nitong kulay pulang Honda XRM.

Nanlaban ang biktima kaya’t nairita ang mga suspek at pinagbabaril ng sunud-sunod saka mabilis na nagsitakas.

Isang hot pursuit ope­rations ang isinagawa ng mga otoridad upang matukoy at mapanagot sa batas ang mga suspek.

Samantala, patuloy din ang pagtutok ng pulisya sa mga carnapping group sa Zamboanga Peninsula na posibleng nasa likod ng pagtangay sa motorsiklo at pagpatay sa biktima.

 

Show comments