MANILA, Philippines - Kahit pa magkahiwalay ay sinabi ng dalawang senador na hindi pa sila pormal na nag-uusap sa paglutang ng posibleng tambalan nina Senators Ferdinand “Bongbong†Marcos Jr. at Ramon “Bong†Revilla Jr. sa presidential elections sa 2016.
Unang sinabi ni Marcos na nag-umpisang lumutang ang posibilidad na maging magka-tandem sila ni Revilla ng bumisita ito sa Ilocos.
Nagbiro pa si Marcos na mas mapapadali ang kanilang kampanya dahil madaling tandaan ang “Bongbong†at “Bongâ€.
Sa isang panayam sa telepono kahapon kinumpirma ni Revilla na may mga nagpapalutang ng posibilidad na magka-tandem sila ni Marcos sa 2016 pero masyado pa aniyang maaga ang magsalita sa ngayon.
Ayon pa kay Revilla sa ngayon ay pinaghaÂhandaan na lamang niya kung ano ang daraÂting sa buhay niya dahil naniniwala pa rin ito sa “destinyâ€.