^

Police Metro

6 patay sa road tragedy

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines -  Nauwi sa trahedya ang masayang outing  ng isang pamilya sa isang beach resort makaraang sumal­pok sa telecommunications tower ang van na kanilang sinasakyan na ikinasawi ng anim na magkakapamilya sa ba­yan ng Monkayo, Compostela Valley kamakalawa ng gabi.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Fe Mona­res, 40; mga anak nitong sina Nikki, 16 at Khea, 14; mga pinsan nilang sina Ronald, 39 at Rhona Mae Anghad at Kenneth Mascariñas.

Ang apat na nasu­gatan ay kinabibila­ngan ng driver na si Nilo  Mascariñas ay pawang  nilalapatan na ng lunas sa pagamutan.

Batay sa ulat ni Sr. Supt. Camilo Cascolan, Director ng Compostella Valley Police, apat sa mga biktima ay pawang dead on the spot habang ang dalawa ay  idineklarang dead on arrival sa pagamutan.

Sa imbestigasyon, dakong alas-9:45 ng gabi nang maganap ang sakuna sa kahabaan ng Davao-Agusan highway sa Purok Dao, Brgy. Banlag, Monkayo habang ang mga biktima ay lulan ng Suzuki van (YAW-353) na galing sa outing sa Island Garden City of Samal sa Davao del Norte at kasalukuyang pauwi na nang mangyari ang sakuna.

Nabatid na kasalukuyang bumabagtas sa pakurbadang daan ang van nang magpagiwang-giwang ang takbo nito sa highway hanggang sa sumalpok sa tower ng Globe Telecoms sa nasabing lugar.

Sa lakas ng pagkakasalpok ay bumaliktad at halos nayupi ang behikulo kung saan naipit sa loob ang mga nasawi habang mabilis namang isinugod sa pagamutan ang iba pang mga nasugatan.

 

vuukle comment

CAMILO CASCOLAN

COMPOSTELA VALLEY

COMPOSTELLA VALLEY POLICE

FE MONA

GLOBE TELECOMS

ISLAND GARDEN CITY OF SAMAL

KENNETH MASCARI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with