^

Police Metro

Mag-ina naabo sa sunog

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Naabo sa sunog ang dalawang ma­tan­dang mag-ina ma­­karaang makulong ang mga ito sa nasunog nilang ta­hanan sa Hacienda Conchita, San Dionisio, Iloilo, kamakalawa ng gabi.

Halos hindi na makilala matapos magmistulang uling ang bangkay ng mga biktimang kinilalang sina Lilia Villanes, 98-anyos, biyuda at anak nitong si Santiaga Villanes, 75 taong gulang.

Sa ulat ni Iloilo Provincial Police Office Director P/Sr. Supt. Gil Blando Lebin, naganap ang sunog na tumupok sa tahanan ng mga biktima sa pagitan ng alas-7:00 hanggang alas-7:30 ng gabi.

Nabatid na ang mag-ina ay magkasamang namumuhay sa nasabing lugar na nakatira sa kanilang ta­hanan na gawa lamang sa mahihinang uri ng materyales.

Base sa inisyal na im­bestigasyon, nabigong ma­kalabas ang mag-ina nang masunog ang kani­lang ta­hanan.

Nakitang magkayakap ang sunog na bangkay ng mag-ina sa loob ng ka­nilang kuwarto na posibleng hindi na nagawang makalabas pa ng kanilang tahanan dahil na rin sa kanilang katandaan.

Sinasabing malayo rin ang tahanan ng mag-ina sa kanilang mga kapitbahay kaya hindi nagawang masaklolohan ang dalawang matanda.

Ayon sa mga awtoridad, walang supply ng kuryente sa lugar nang maganap ang sunog kaya pinaniniwalaang mula sa natumbang nakasinding lampara o kandila ang sanhi ng sunog. 

Sa inisyal na pagtaya, aabot sa P200,000 ang halaga ng ari-arian na naaabo sa nasabing sunog.

 

AYON

GIL BLANDO LEBIN

HACIENDA CONCHITA

ILOILO PROVINCIAL POLICE OFFICE DIRECTOR P

LILIA VILLANES

SAN DIONISIO

SANTIAGA VILLANES

SHY

SR. SUPT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with