MANILA, Philippines - Lumuwa ang bituka at hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang 32-anyos na misis nang ataduhin ng saksak ng kanyang adik na mister matapos ang mainitang pagtatalo kahapon ng umaga sa Sitio Pintong Gubat, Paliparan 3, Dasmariñas City, Cavite.
Ang nasawi ay kinilaÂlang si Anna Maria Reyes, residente ng #329 Sitio Pintong Gubat, ng nasabing barangay. Habang agad din nadakip ang mister nitong si Sonny Reyes, 34, driver.
Sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-7:45 ng umaga ay bangag umano sa ipinagbabawal na gamot ang suspek nang dumating ito sa kanilang bahay at walang kadahilanang inaway nito ang misis.
Naging mainit ang pagtatalo ng mag-asawa hanggang sa napikon ang suspek at kumuha ng patalim at pinagsasaksak ng maraming beses ang misis na naging dahilan para lumabas ang bituka nito.
Mabilis namang naiÂtakÂbo sa University Medical Center Hospital ang biktima, subalit dahil sa tinamong mga saksak na umabot sa 40 beses sa katawan ay namatay din ito.